Alas tres na ng umaga, pero hindi ako makatulog. Nakahiga na ako sa aking kama, ngunit nakabukas pa rin ang mga mata. Halos kita ko na ang buong silid dahil sa matagal na kadiliman, at pati na rin sa ilaw na pumapasok sa galing sa hallway sa labas. Pero hindi talaga ako makatulog. Napakaraming pumapasok sa isipan ko ngayon. Una, ang mga nalalapit kong mga panayam para sa mga trabaho at ang demo class sa susunod na linggo. Parehong kaba at excitement ang nararamdaman ko. Pero mas nangingibabaw ang excitement. Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko mula pa man nang papasok pa lang ako ng kolehiyo na ipinanganak ako para magtrabaho at hindi mag-aral. Masamang pakinggan pero ang punto ko rito ay mas natutuwa akong pinaghihirapan ko ang aking ginagawa dahil gusto ko, hindi dahil sa kailangan kong makakuha ng mataas na marka. Bukod sa pera, iyong simpleng kagustuhan mong magawa ang nais mong gawin ay sweldo na para sa akin. At heto na siya, paparating na. At bukod sa paghahanap buhay, mas inaabangan ko talaga iyong pakiramdam na nagagawa mong paunlarin iyong sarili mo, paunlarin ang kaalaman, paunlarin ang kakayahan sa napiling larangan. Iyon talaga ang inaabangan ko. Bonus na ang sweldo. Hehe.
Pangalawa, hindi talaga ako makatulog dahil sa papalapit na produksyon ng Enta na ako ang magdidirehe. Lahat ay iniisip ko. Mula sa konsepto, sa pagbubuo ng artistic team, sa pagpaplano ng schedule hanggang sa pamagat ng twinbill na ito, nasa isip ko ngayong gabi. Ngayong gabi, hindi pa kumpleto ang pangkat pansining, wala pang tiyak na pamagat, walang pang tiyak na petsa ng plano, wala pang napag-uuapan. At halos tatlong linggo na lang, audition na. Kailangan nang magawa ang set para sa reservation ng teatro. Kailangan na ang pamagat para may identity na ang produksyon. Kaya hindi ako makatulog, hindi dahil hindi ko maisip kung anong gagawin ko para sa mga ito, kundi dahil napakarami kong naiisip na ideya at baka makalimutan ko ang mga ito. Sinulat ko na lang sa Memo ng cellphone ko yung mga naiisip ko, pero mukhang hindi naman gumagana, baka makalimutan ko pa rin pagkagising ko kung bakit ko naisip iyong mga iyon.
At dahil diyan, naisip kong magsulat na lang ng blog. Ngayon ok na ako, nasabi ko na ang gusto kong sabihin. At dahil naisulat ko na yung mga iniisip ko ngayong gabi/umaga, alam kong totoo ngang may kailangan akong gawin bukas.
Bukas. Bukas dapat marami akong gagawin pero sigurado akong tatamarin na naman ako. Kailangan kong aralin muli ang tesis ko kung sakali mang matanong ito sa panayam. Kailangan ko ring ihanda ang sarili ko sa mga kadalasang maitatanong sa mga panayam. Kailangan ko rin mag-aral para sa demo class. Kailangan ko ring mag-aral pa para sa board exam. Pero dahil sabay-sabay sila, nakaka-overwhelm lahat. Hindi ko alam kung papano na. Pero sabik pa rin ako kahit na anong mangyari.
:)
GV lang. Good night/morning.
No comments:
Post a Comment