HOSHIT! who would have imagined!?
(left to right: Mark, David, Third, Nico, Deli)*
Stage Management Committee: pinakamahirap na committee sa isang production for me! But I didn't imagine na mag-SM ako for this production! First of all, wala akong experience, not even one!, as a stage manager. First time ito!!! And I say, nakakapagod siya SOBRA. pero at the end of the day, iba pa rin ang feeling ng isang stage manager. sobrang fulfilling.
Gusto ko sanang gumawa pa ng isa pang entry para pagpasalamatan ang mga dapat pagpasalamatan! pero dahil related lang din naman to sa prod, might as well dito ko na rin gawin.
Unang-una, hindi ko inakala na hahantong kami sa isang Summer Production. First time itong mangyari ever since nagi akong member ng ENTA. Isang malaking challenge sa umpisa, pero siyempre excited pa rin ang lahat. Ang Pobreng Alindanaw at The Commonwealth of Virginia ay ang unang dula ng ENTA para sa season na ito (Bilog Tayo!) at isa itong fund raising para sa organisasyon.
Isa talagang big challenge ang pag-ako ko sa Stage Management, unang-una nga dahil first time ko ito. At pangalawa, hindi kami sanay sa isang summer production.
Bago ako magsulat ngayon dito, marami akong gustong sabihin pero ohshit nawawala na naman ako sa train if thought ko.
Alam kong mahirap maging isang SM, sabi na ito ng mga kilala kong naging SM Heads na at mga naging SM na. Sa loob-loob ko, aminado ako noon na SM Committee ang hinding-hindi ko papasukan. It's something na hindi ko talaga ma-imagine na ginagawa ko. But then again, hindi ko alam kung anong nangyari at tinanggap ko ang trabahong ito. Mas maraming stress kaysa ginhawa ang inabot ko sa buong panahon ng produksyon na ito. Ito rin ang kauna-unahang pagkakataong naiiyak ako sa pagod, sa stress, sa pressure. Pero sabi nga sa mga notes sa company call: 'nagwarm-up' lang siguro ako. Hindi ko talaga alam ang Stage Management pero pinasok ko siya. Siyempre, sa unang rehearsal, palpak agad ako. Hindi ako nakapaghanda ng mga working set pieces at napagalitan agad ako. Sa unang full tech dress run, napagalitan na naman ako kasi hindi naka-standby ang mga actors. Mga simpleng bagay na sa latter part, naayos ko rin--at naayos ko ng mabuti.
And through all these challenges, isama na natin ang time management, efficiency, etc, marami akong gustong pasalamatan na naging factor kung pano ko nalampasan ang challenge na 'to. Kahit hindi man ito mabasa, so what :))
Una, gusto ko pasalamatan ang tatlong non-ENTA SMs ko na sina Cabs, RJ at Mikee. Sobrang pasasalamat dahil nandyan sila parati, umiintindi at nakikinig sa mga utos ko. Bihira, o siguro nga ay first time, na magkaroon ng non-member na SMs sa produksyon. Nagpapasalamat ako dahil sa kanilang kagustuhang sumali, kahit hindi kailangan. Salamat din sa unawa, dahil alam kong alam nila na hindi ako sanay sa trabahong ito. Salamat dahil kahit mainit ang ulo ko, chill lang sila! ENTA na next school year!!!
Next, ang mga SMs na tumulong sa akin throughout the production: mga biglaan kong pinapatulong minutes before the show starts, at mga SMs na tumulong at certain instances. Sina Roj, Stacey, Pat, Ciara, Bea G., Polo, Eric, Aya at Debbie. Sobrang thank you!!!
Next, sa mga tech girls and boy na iniintindi ang mga kakulitan ko sa tech booth kahit super kailangan ng focus, sa mga oras na hinihingi ko na ang mic para sa announcements. Kay Ina, Bea Q., Timmy at Gian. Thank you!
Kay Direk Kalil, sa pag-intindi!
Kay Sir Jet, sa paggabay at pagpapaalala.
Marami pa akong gustong pasalamatan, pero ang mga taong nabanggit ko talaga ay ang mga taong tumulong sa akin sa oras na nababaliw na ako right before the show. HAHAHA.
SUPER THANK YOU.
*photo galing kay Ciara


No comments:
Post a Comment