April 13, 2013
3:32pm
Sobrang hindi ko alam kung anong
mararamdaman ko ngayon. Nakaramdam na ba kayo ng pakiramdam kung saan hindi
niyo alam kung matutuwa kayo isa isang bagay, o kaya nama’y ikalulungkot ninyo
ang bagay nito? Siyempre, sa mga magkakaibang dahilan. ‘Yung tinatawag nilang
conflict of interest. Nasa panahon na ata ako na kailangan ko nang pag-isipan
kung ano na ang mga susunod na mangyayari. Sa panahon na kami, na masyado nang
sunud-sunod ang nangyayari at marami na ang masasaktan, kung magkataon.
Sa totoo lang, hindi ko alam ang punto ko
kung bakit nagsusulat ako ngayon. 5 minutes ago, bigla na namang nabuhay ang
writing skills ko dahil naisipan ko na paano kayo kung magsulat ako ng libro
ngayon—tungkol sa kasawian ko sa pag-ibig, at dadagdagan ko ng layers ng kaunti
para bumenta sa masa. In a way, autobiography ko na rin siya at the same time,
isang creative output na rin. Pero nakakakalahati pa lang ako ng isang pahina,
bigla nagkulang ang creative juices ko. Kaya nauwi ako sa pagsusulat ngayon ng
isang journal entry. Kahit anong pumasok sa utak ko, isusulat ko lang. Go lang
nang go, kahit masabi akong hindi kanais-nais… Shet, parang karanasan ko lang
sa pag-ibig…which I will be talking about pagkatapos ng sentence na ito.
Pabigla-bigla. Walang iniisip. ‘Yan ang
description ko sa sarili ko pagdating sa pag-ibig. Actually, hindi lang do’n.
Pati sa buhay, ganoon ako. Hindi ko iniisip ang mangyayari sa hinaharap. Basta
gusto ko gagawin ko. Minsan, hindi ko naiisip kung anong magiging reaksyon ng
magulang ko sa mga pinaggagagawa ko. Hindi ko iniisip ang gastos ko. Hindi ko
iniisip kung mataas ba ang marka ko sa mga subjects ko. Pero lahat ng ito ay
talo…pagdating sa pag-ibig.
Padalos-dalos. Lahat binabangga. Ang
tinutukoy ko na rito ay pag-ibig. Sa mga nakaraang buwan, inisip ko na lang na
wala na akong pakialam kung may masaktan na ako, kung may mawawasak akong
damdamin…basta nagmamahal ako. Selfish siyang pakinggang pero, sino ba naman
ang kasama ko sa buong buhay ko kundi ang sarili ko. Maling thinking siya pero
nagsusurvive pa naman ako. Naging masama ako pagdating sa pag-ibig. Mas inuna
ko pa ang sarili kong kasiyahan kaysa ang kung ano ang makabubuti para sa
lahat.
So ano nga ang point ko? Haha. Hindi ko
rin alam. Ang masasabi ko na nga lang, ulit, ay dumarating na ang panahong
lahat ng kilos ko ay pag-uusapan ng nakararami. Malalaman at malalaman din nila
ang lahat, kahit anong pagtatago ang aking nagawa. Minsan ang naiimagine ko na
lang ay tulad ng sa pelikula. ‘Yung mga magkasintahang iniiwan lahat,
kinakalimutan ang kanilang mga mahal sa buhay, at mabubuhay sila nang sila lang
dalawa sa malayong lugar, at doon magmamahalan. Minsan ganoon na lang ang
iniisip ko. Para tapos ang usapan. Hindi ba?
So siguro nga ang point ko ngayon ay
BAHALA NA. Bahala na ang tadhana, bahala na si bathala, bahala na ang
kalikasan. Kung anong mangyayari, edi mangyayari. At lahat ng mangyayari, may
dahilan. Maganda man ito o masakit, basta may dahilan. Kaya ang hinihingi ko na
lang sa aking sarili ay tatag ng loob at paniniwala sa sarili.
No comments:
Post a Comment