Sunday, April 14, 2013

NP: Love on Top


April 13, 2013
3:32pm

Sobrang hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Nakaramdam na ba kayo ng pakiramdam kung saan hindi niyo alam kung matutuwa kayo isa isang bagay, o kaya nama’y ikalulungkot ninyo ang bagay nito? Siyempre, sa mga magkakaibang dahilan. ‘Yung tinatawag nilang conflict of interest. Nasa panahon na ata ako na kailangan ko nang pag-isipan kung ano na ang mga susunod na mangyayari. Sa panahon na kami, na masyado nang sunud-sunod ang nangyayari at marami na ang masasaktan, kung magkataon.

Sa totoo lang, hindi ko alam ang punto ko kung bakit nagsusulat ako ngayon. 5 minutes ago, bigla na namang nabuhay ang writing skills ko dahil naisipan ko na paano kayo kung magsulat ako ng libro ngayon—tungkol sa kasawian ko sa pag-ibig, at dadagdagan ko ng layers ng kaunti para bumenta sa masa. In a way, autobiography ko na rin siya at the same time, isang creative output na rin. Pero nakakakalahati pa lang ako ng isang pahina, bigla nagkulang ang creative juices ko. Kaya nauwi ako sa pagsusulat ngayon ng isang journal entry. Kahit anong pumasok sa utak ko, isusulat ko lang. Go lang nang go, kahit masabi akong hindi kanais-nais… Shet, parang karanasan ko lang sa pag-ibig…which I will be talking about pagkatapos ng sentence na ito.

Pabigla-bigla. Walang iniisip. ‘Yan ang description ko sa sarili ko pagdating sa pag-ibig. Actually, hindi lang do’n. Pati sa buhay, ganoon ako. Hindi ko iniisip ang mangyayari sa hinaharap. Basta gusto ko gagawin ko. Minsan, hindi ko naiisip kung anong magiging reaksyon ng magulang ko sa mga pinaggagagawa ko. Hindi ko iniisip ang gastos ko. Hindi ko iniisip kung mataas ba ang marka ko sa mga subjects ko. Pero lahat ng ito ay talo…pagdating sa pag-ibig.

Padalos-dalos. Lahat binabangga. Ang tinutukoy ko na rito ay pag-ibig. Sa mga nakaraang buwan, inisip ko na lang na wala na akong pakialam kung may masaktan na ako, kung may mawawasak akong damdamin…basta nagmamahal ako. Selfish siyang pakinggang pero, sino ba naman ang kasama ko sa buong buhay ko kundi ang sarili ko. Maling thinking siya pero nagsusurvive pa naman ako. Naging masama ako pagdating sa pag-ibig. Mas inuna ko pa ang sarili kong kasiyahan kaysa ang kung ano ang makabubuti para sa lahat.

So ano nga ang point ko? Haha. Hindi ko rin alam. Ang masasabi ko na nga lang, ulit, ay dumarating na ang panahong lahat ng kilos ko ay pag-uusapan ng nakararami. Malalaman at malalaman din nila ang lahat, kahit anong pagtatago ang aking nagawa. Minsan ang naiimagine ko na lang ay tulad ng sa pelikula. ‘Yung mga magkasintahang iniiwan lahat, kinakalimutan ang kanilang mga mahal sa buhay, at mabubuhay sila nang sila lang dalawa sa malayong lugar, at doon magmamahalan. Minsan ganoon na lang ang iniisip ko. Para tapos ang usapan. Hindi ba?

So siguro nga ang point ko ngayon ay BAHALA NA. Bahala na ang tadhana, bahala na si bathala, bahala na ang kalikasan. Kung anong mangyayari, edi mangyayari. At lahat ng mangyayari, may dahilan. Maganda man ito o masakit, basta may dahilan. Kaya ang hinihingi ko na lang sa aking sarili ay tatag ng loob at paniniwala sa sarili.

Thursday, April 11, 2013

We’re better than alright


April 11, 2013
12:21 AM

It has been months since I wrote in this blog. But today, this entry won’t be for anyone who might just bump into this space. This is for one particular person that has been the center of everything I do. Kaya ilang buwan akong hindi nakapagsulat—dahil sa kanya. At inaalay ko ang pagsasatitik ng mga nararamdaman ko sa kanya, dahil kung sakali mang hindi na ‘yon mangyari muli, at least, I would be able to live and relive and relive these moments, over and over again. No matter how painful it would be, at least, I felt. Ika nga ng BILOG prayer ko sa PLEVSEM last week: Ipinagdarasal ko ang mga tao na mag-alam at magramdam. Mag-alam—na malaman nila ang tunay na sagot sa mga katanungan nila. Magramdam—patuloy na umibig, mabigo, magmahal, masawi…nang paulit-ulit. Dahil itong dalawang ito ang pinakamahalagang nangyayari sa isang tao; at least, itong mga ‘to.

Para sa’yo:

Oo, nakikinig pa rin ako ng Between The Raindrops habang sinusulat ‘to. Hindi ko matiis.

Hanggang ngayon, masasabi ko pa ring hindi ko kaya. Hindi ko alam kung hanggang kelan ko siya masasabi.

You know what, you are the greatest love story I ever had. And hindi ko pa rin masabi na tapos na siya. You are still lingering in my thoughts. You’re the first person I always thought of every time I gain consciousness. At night, you are the last one before I come into dreaming. You are the one that makes me look forward to the next day. I always ask question like, “when will I see you next?”, “what did you eat?”, “what were you thinking?”

I may not be the one. I may not be the person who books for a vacation. I may not have the right. I may not be thanking you over Twitter. I may not be hacking you in Facebook. I may not puke at eat-all-you-cans just to eat again. I may not cry with you because a playwright got mad at us. I may not be those. But man, I love you. I may have loved you more than you and I will ever know. Hindi ko alam.

My heart is broken. But it feels just right. Hindi ko pa rin makuhang maging masaya sa iba. At may mga pagkakataong mas gugustuhin ko pang magpakasawi kasama ka. Baliw na kung baliw. Obsessed na kung obsessed. Pero shit, pareho tayong baliw at obsessed sa isa’t isa.

Bahala na.

Pero always remember, I would always catch your glimpses, kahit hindi mo siya makita. Palagi kitang titingnan kung nagsspace out ka. Hindi mawawala ang mga ‘yan. I would always stare at your itchy neck kapag nakatalikod ka. It would always be like that. Ugh, it’s in my system na.

Walang pagpapaalam,
Third

A very much need update - abogado na po tayo

Hello, blog! It's been a while. No, really. My last post here was on December 2022!?!? Okay, let me recap what happened since??? I finis...