This morning nanaginip na naman ako. First time ko yatang mapanaginipan si Kim Kardashian. Nakitulog daw siya at ang kanyang asawa sa bahay namin. At inaway ko siya kasi di ko gusto yung asta niya sa bahay namin. Kaya kinonfront ko siya and told her I was disappointed na iba yung ugali niya, na gusto ko sana siya as a celebrity.
Anyway, yesterday, I started reading a fiction book (A Gentleman in Moscow) na nakita ko sa isa sa mga book reviews ni Bill Gates. Yun ang ginawa ko bago matulog. Itinigil ko muna ang social media dahil ilang linggo na ako babad dito. Maaga rin ako natulog, mga 11pm. Paggising ko, gulat na naman ako na nagpa-presscon na naman ang poon nyong si Pduts. At binatikos si Chel Diokno dahil sa pagtulong nito sa mga hinuling nag-rally para humingi ng pagkain. I mean, guuurl. Pero buti ay dinepensahan niya naman si Leni Robredo patungkol sa pag-solicit ng mga donasyon. Ifa-fire nya raw ang PACC commissioner na nagsabing paimbestigahan si Robredo ng NBI ukol dito. Syempre tingin ng tao, later on, ia-appoint lang din naman yun sa ibang position. Yan ang kaganapan sa huling presscon niya na walang kwenta--kung saan inihalintulad niya si Diokno sa isang janitor at ininsultong may malaking ngipin. Kita niyo, ginagawa niyang insulto ang isang janitor, at ang isang may malaking ilong. Kelan pa naging batayan ang itsura sa paglilingkod? Kakasuka.
Kahapon naman, nakipagdebate naman ako sa FB nang mag-post ang former officemate ko tungkol sa mga kagaguhang nangyayari. Syempre, todo depensa si ateng. Kaya nagreply ako ng mga counterarguments ko against sa mga punto niya. Of course, typical DDS.
ELEKSYON NA BA!? Kakapagod na ha. Anyway, don't forget to register starting May 1 again. Hay, I'm still sad my last vote was 2010 pa. AGH HATE MYSELF FOR THAT.
No comments:
Post a Comment