Ang hirap na mag-express ng sarili. Namimiss ko yung Twitter 8-9 years ago. Kahit ano pwede ko sabihin. Mga personal thoughts. Ngayong ang ingay-ingay. Lahat opinionated. Konting sabi mo lang, ang daming magrereact. Di ka makapagbigay ng thoughts na walang sasagot o magjujudge. Gusto kong mag express online na walang kilala ko magrereact. Wala rin naman akong mapagkwentuhang isang tao na fully makikinig sa akin. Lahat either di ako sineseryoso (parang puro joke lang or feel nila masayang tao lang ako palagi), merong once na nagkkwento na ako, atat na atat na rin silang magkwento ng sarili nilang problema, meron din namang puro pangjjudge lang ang nasa isip, makakuha lang ng tsismis, at meron din namang di lang ako maintindihan or something like that.
Masyado lang ata akong naglolong ng kausap na matino or sincere. Parang lahat busy na sa kani-kanilang affairs. Napag-iiwanan na ako ng mundo (yes, lalim). Parang lahat naka move on na. Lahat nasa next level na. Ako, parang ano na? Ano nang gusto kong gawin? Ano nang balak ko? Anong priority ko? Puro ako pa rin ang problema ko?
Gusto ko talagang mawala ng like isang taon. Ako bahala sa gusto ko. Parang lahat nakaabang sa gagawin ko. Napepressure ako. Natatakot. Di ako alam next move ko. Stuck na stuck ako. Pero wala akong masabihan. Parang walang kapareho kong sitwasyon. Gusto kong sumigaw sa isang bundok, or sa roofdeck ng isang mataas na building.
HAY.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
A very much need update - abogado na po tayo
Hello, blog! It's been a while. No, really. My last post here was on December 2022!?!? Okay, let me recap what happened since??? I finis...
-
And I really think, this week will be a very good week, since I-forgot-when. Posting my previous blog entry makes me much happier each day, ...
-
wala lang. nagulat lang ako may tatlong forwarded messages akong natanggap from my ate. wala sigurong magawa during that time (at malamang u...
No comments:
Post a Comment