Sunday, March 20, 2016

ANONA.

Ang hirap na mag-express ng sarili. Namimiss ko yung Twitter 8-9 years ago. Kahit ano pwede ko sabihin. Mga personal thoughts. Ngayong ang ingay-ingay. Lahat opinionated. Konting sabi mo lang, ang daming magrereact. Di ka makapagbigay ng thoughts na walang sasagot o magjujudge. Gusto kong mag express online na walang kilala ko magrereact. Wala rin naman akong mapagkwentuhang isang tao na fully makikinig sa akin. Lahat either di ako sineseryoso (parang puro joke lang or feel nila masayang tao lang ako palagi), merong once na nagkkwento na ako, atat na atat na rin silang magkwento ng sarili nilang problema, meron din namang puro pangjjudge lang ang nasa isip, makakuha lang ng tsismis, at meron din namang di lang ako maintindihan or something like that.

Masyado lang ata akong naglolong ng kausap na matino or sincere. Parang lahat busy na sa kani-kanilang affairs. Napag-iiwanan na ako ng mundo (yes, lalim). Parang lahat naka move on na. Lahat nasa next level na. Ako, parang ano na? Ano nang gusto kong gawin? Ano nang balak ko? Anong priority ko? Puro ako pa rin ang problema ko?

Gusto ko talagang mawala ng like isang taon. Ako bahala sa gusto ko. Parang lahat nakaabang sa gagawin ko. Napepressure ako. Natatakot. Di ako alam next move ko. Stuck na stuck ako. Pero wala akong masabihan. Parang walang kapareho kong sitwasyon. Gusto kong sumigaw sa isang bundok, or sa roofdeck ng isang mataas na building.

HAY.
Masyado nga ata talaga akong mahirap kasama. Kaya siguro wala akong permanent set of friends. Floating kumbaga. Ang hirap pakisamahan. I dunno. :(

Sunday, March 13, 2016

33rd

Dahil wala akong makuhang pictures ko nung intersession prod, magsusulat na lang ako dito.

Woooh! Tapos na ang 33rd season! Shet. What a feat. :)) Nakumpleto namin ni Nico lahat ng prod. Yung totoo? Pati newbie prod. Yung totoo. Akin nga ata talaga to kasi Thirty THIRD season. Hihi <3

Ang pinakapaborito kong gawin na prod ay GNGNU kasi sobrang pisikal niya talaga. Yung tipong from start to end, humihingal ka ganern.

Pinaka na-enjoy ko naman ay ABM kasi ang sarap paglaruan ni Karding. Daming pwedeng gawin, lalo na yung pag hithit ko ng tobacco. Yun yun eh.

Tapos pinaka na-touch ako is RDG kasi newbies. Tapos napalapit na ako sa newbies.

SDP, saks lang. Hahaha. Di ko gusto performance ko dun eh, parang wala akong input hahaha.

What a season! <3

Saturday, March 12, 2016

...

Just came from a cast party. Yes, I'm kinda tired and mejo nahihilo lang pero I didn't really drink much. But I wish uminom pa ako ng marami.

Those stares. Yes, I like those stares. Balibaliktarin mo man, those stares I like. Dami kong naiisip pag nakikita ko pa rin yung titig na yun. Hehe.

But then again... Haha.

Oh well.

Sunday, March 6, 2016

Am I stuck?

Wow. After 3 months, nakapaglaan na naman ako ng time para magsulat dito. Hi world! :)

Napakaraming nangyari since last time I wrote here. And most are nurturing. Pinakyaw ko lahat ng opportunities na pwede kong makuha. And after 3 months, masasabi ko namang magaganda ang naidulot nito. :)

RDG, TOM, ABM

Joining three overlapping productions is a feat for me. (or pati na rin siguro sa iba) Ang pinakamalapit na dito ay nung kasama ako sa dalawang directing output showcase noong college ako, at yung kasama din ako sa isang directing finals na dalawang estudeyante (isa sa UP at isa sa Ateneo). Pero itong pagsali ko sa RDG, Titas at ABM ng sabay-sabay--di ko alam kung may makakapantay pa dito. I've exhausted my creative juices. Haha. Sa totoo lang di pa ito tapos kasi may isang linggo pa ang ABM. Pero napag-isip ko nang magsulat ngayon dahil nasa stage na ako ng ABM na okay na ako, kumbaga kalagitnaan na ng prod, kaya masasabi kong yun na yon, tapos na yung pagmememorya, naka fix na lahat.

Sa pagsali ko sa tatlong production na ito, bawat prod ay napakarami ko pa ring natutunan. And it didn't surprise me na at this stage, para pa rin akong baguhan. Na hindi. Na oo.

Sa RDG, na-appreciate ko yung freshness na hinahanap ni Sir sa bawat show. Bilang mga fresh actors (at hindi new/amateur actors), kakaiba ang experience na naidulot ng isang prod na ang kasama ko lahat ay mga baguhan. Fresh at refreshing. Just the thing I was looking for. Naghanap ako ng bagong company, naghanap ako ng ibang environment--yung tipong co-actors ko, 'di ko pa kilala. Kinailangan ko 'yon. Kasi doon, na-challenge ako. Pakiramdam ko, kinailangan ko uling patunayan ang sarili ko, dahil walang nakakakilala sa akin. And I fully appreciated that.

Sa TOM naman, siguro ang pinaka na-absorb ko na ay 'yung ibang level na hiningi sa akin pagdating sa pag-arte. Maraming nagsabi na nagalingan sila sa performance ko. Pero sa totoo lang, I can say na it could have been better. Dahil sa nasa gitna ang TOM ng dalawa pang ibang prod, pakiramdam ko ay hindi ko pa mas nabigyan ng characterization ang tauhan ko rito. Nang mabasa ko ang script at sa mga unang araw ng rehearsal, sinabi ko na ito na ang pinakamahirap kong gagawin sa tanang pag-arte ko. Pero nang matapos ang prod, naisip ko na mukhang hindi naman. Siguro ay dahil na-overcome ko yung challenge? Di ko alam.

Sa ABM naman, ang talagang natutunan ko ay ang pasensya (sa co-actor), pag-adjust, pakikinig, compromiso. Nahirapan ako (actually, nahihirapan ako hanggang ngayon) dahil dito ipinakita na naaapektuhan ang performance ko dahil sa performance ng iba. Gusto ko maging "bigger person" pero mahirap siyang gawin. Mahirap magpaka-"okay" kung alam mo namang maayos ang ginagawa mo, pero hindi nagiging maayos dahil sa hindi maayos ang iba.

Sa kabuuan naman, na-realize ko na I REALLY WANT THIS. This is where I want to be. Ang hirap i-admit sa sarili o sa pamilya, pero I want this. I need this. I am good at this. Tama na ang arte-arte. Gusto ko 'tong gawin at magaling ako dito. Pero ang hirap seryosohin ng propesyon kung walang oportunidad. Napakalayo ng pinag-aralan ko sa gusto kong gawin.

Nakakatakot 'yung future. :S

Kaya naman, humingi ako ng sign. Kung ano mang kinalabasan ng The Hectic Feb 2016 That Was, doon ko ibabase kung itutuloy ko ba yung mga balak kong gawin. At mukhang may sagot naman na ako. I want this. I will do this. :)

SO ANO 'YUNG STUCK AKO?

So bakit sa title, stuck daw ako? Haha! Kasi sa lahat ba naman ng pinagkaabalahan ko (hindi lang yung tatlong prod na 'to kundi pati na rin yung buong #ENTA33 na pinakyaw ko lahat ng prod), iisa at iisa pa rin ang naaalala ko (naaalala lang ha). Ikaw. Ikaw na umusad na siguro? Ikaw na masaya na? Ewan. Hehe.

Aaminin ko, ikaw pa rin ang huli. At mukhang wala akong balak na may makilala. Parang naka-turn-off yung pakiramdam ko. Wala akong balak. Stone cold. Wala akong pakialam ngayon sa kung may gusto ba ako o wala. I'm just letting time pass by.

I poured myself sa art. Umarte ako sa lahat ng pwedeng artehan. Bumangko ako sa mga karanasan. Daig ko po ang estudyante. Chinallenge ko ang sarili ko na aralin ang mga dulang sinalihan ko. Nag-invest ako sa experience. Libre naman. Gagalingan ko pa kung may pagkakataon pa.

Ginagawa ko ito siguro dahil balang araw, kaya kitang balikan. Kausapin? Kumustahin? EWAN.

Kinailangan ko siguro ng outlet. Or baka dahil hindi ako mahilig mag-express ng emotion (kaya di kita makausap), kaya idinaan ko sa sining na gusto ko. Ewan talaga. Stress.

Ang linaw ng gusto ko, pero ang gulo ng gusto kong mangyari.

Yun lang siguro...

Sa muli,
Third.

(Ang sarap pa rin mag word vomit...)

A very much need update - abogado na po tayo

Hello, blog! It's been a while. No, really. My last post here was on December 2022!?!? Okay, let me recap what happened since??? I finis...