Hello everyone! Matagal tagal na naman akong hindi nagparamdam. It's either sobrang nakakatamad lang talaga magsulat or di kaya naman ay masyadong busy na talaga! :) Napakaraming nangyayari na for the past 2 months! Nasa kalagitnaan na pala kami ng aming creative musical theater workshop sa PETA. At napakalungkot kasi hindi ko nararamdaman ang pagtakbo ng oras. Masyado kong ineenjoy kaya sobrang napakadali ng takbo. Dalawang linggo na lang, showcase na namin.
Siyempre, bukod sa lahat ng mga natututunan ko sa workshop, ang pinakamagandang nangyari dito ay ang makakilala ng mga bagong kaibigan. Sa loob ng isang buwan, nakakilala ako ng 21 na bagong mga kaibigang may kapareho kong hilig at nagbuwis ng pera (haha) para dito. Malaking bagay ito na makakilala ako ng katulad nila.
Bagaman sa umpisa umiral yung pagka judger ko, dahil siguro iba-iba talaga kami ng wavelength or di kaya ay iba talaga kami ng mga ideya pagdating sa teatro at pagtatanghal, ngayon ay mas nakilala ko na sila.
At dahil signature naman na ng blog ko na ito na magkwento ng mga kaartehan ko sa pag-ibig o usaping puso, kaya isesegue ko na yung natitipuhan ko ngayon na kasapi sa workshop. HUHU. yun na lang muna haha.
Matagal-tagal na rin akong nagbabalewala ng mga bagay-bagay tungkol sa usaping puso mula nang itigil ko ang kahibangan ko sa isang lalakeng sinaktan ang puso ko kamakailan lamang. At mula noon, hindi ko talaga sineseryoso ang paghahanap ng isang taong magbibigay ng inspirasyon sa akin, o kaya naman ang paghahanap ng makakasama. Ayoko muna. Masyado akong nasaktan para mag-isip pa muli ng mga bagay-bagay na ganoon.
Pero heto ako... basang-basa sa kilig. charot. corny. Well, actually, basang-basa sa kilig talaga. Pero joke lang. Masagwang pakinggan.
(Grabe narealize ko, pang-apat na ata tong lalaki na 'to na naikwento ko sa blog na to. Jusme. Ang Kasaysayan ng Aking Pagkasawi. ok back to topic.)
As I've said, ayoko munang mag-isip ng usaping puso. Kaya nga ako nagpapakabusy/nagworkshop/nagtatrabaho. Gusto ko ng fresh start. Pero pano kung sa fresh start na ito, eh mukhang makikilala ko na naman ang bagong kaibigang baka nama'y aking mapusuan. Hahaha. Wtf is happening with my wordings right now.
Pero dahil ayokong mag-dwell masyado patungkol sa kanya, isang statement muna ang iniisip ko: Mahirap na ngang kalabanin ang iba para makuha mo ang taong gusto mo, pano pa kaya kung kakalabanin mo ang Diyos. Huhuhu. You don't do that. :( Pano kung mas mahal niya ang paglingkod sa Diyos kaysa magkaroon ng special someone.
Ok. Yan ang pinag-iisipan ko. Hahaha.
Sa ngayon, nurture the friendship. Pausbungin. Haha. Enjoy the moments. Enjoy the last 2 weeks, bago pa siya bumalik sa pinanggalingan niya (Cebu) :(
This is so hard. Pero ok lang. HAHAHA
...
Singing off.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
A very much need update - abogado na po tayo
Hello, blog! It's been a while. No, really. My last post here was on December 2022!?!? Okay, let me recap what happened since??? I finis...
-
And I really think, this week will be a very good week, since I-forgot-when. Posting my previous blog entry makes me much happier each day, ...
-
wala lang. nagulat lang ako may tatlong forwarded messages akong natanggap from my ate. wala sigurong magawa during that time (at malamang u...
No comments:
Post a Comment