Thursday, September 1, 2011

Sa Kalye

Yesterday was the first ever scriptwriting workshop for the season. Tapos naisipan ko lang sumali bilang project pala ito ng kumite ko at wala ang project heads nito. Kahit hindi dumating ang original na speaker, naging successful naman ito dahil tinake over ng project head last year. At para sa akin, ito ay successful talaga dahil pagkatapos ng workshop na ito, napagdesisyunan kong magsulat para sa susunod na taon. Hindi ko alam kung mapupull-off ko pero why not try diba?


Gusto ko palang ibahagi ang nagawa kong 10-line dialogue exercise na tanging exercise na nagawa namin kahapon na pinamagatang 'Sa Kalye'.



Sa Kalye

A, mas matured at iniisip ang consequences, ngunit may mga ‘what if’s siya sa buhay niya, sumisigurado, importante ang bukas
B, impulsive, what you see is what you get, walang pakialam kung sigurado o hindi, importante ang ngayon

A: Bakit? Bakit ako?
B: Hindi ko alam.
A: We have all the time.
B: Anong ibig mong sabihin? Time? Ngayong gabi? O sa buong buhay natin?
A: Sa buong buhay natin.
B: Anong ibig sabihin noon? (katahimikan)
A: Ah, wala. (katahimikan, realization)
B: So, ano na?
A: Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko.
B: Ako, alam na alam ko.

Gustung-gusto ko 'tong i-share sa kanya dahil sobrang siya yung iniisip ko habang sinusulat ko ito. But then, bahala na haha.

Basta natitiyak ako na magiging exciting ang pagsusulat ka sa taong ito.

No comments:

Post a Comment

A very much need update - abogado na po tayo

Hello, blog! It's been a while. No, really. My last post here was on December 2022!?!? Okay, let me recap what happened since??? I finis...