O, ba't binalikan ko 'tong blog na to? Ang galing kasi ang galing lang talaga. Masyado kong namiss ang pagbblog ng ubod ng haba! Nasanay na ako sa microblogging (hindi ko talaga gusto ang salita na 'to, masyadong techie). okay, moving on... ang galing lang talaga kasi.
Unang-una: kagigising ko lang 30 minutes ago, at ang akala ko ay Linggo na ng umaga. Ang sarap lang talaga siguro ng tulog ko. At sa sobrang sarap ng tulog ko, hindi ko man lang narinig ang mga text at missed calls sa phone ko. Hindi ko tuloy nasamahan ang kaibigan ko, nagyayaya ng dinner. :(( Nakakainis! At feeling ko talaga umaga na kanina. So sabog!
Ikalawa: Nakakatuwa. Noong July 11, nagpost ako ng isang blog entry sa luma kong blog noon pa. Isa itong entry tungkol sa Tarong. At nakakatuwa na may nagcomment dito, siya raw yung PM (production manager) ng dula. So ako tuwang-tuwa naman, kasi feeling close kami wahahaha. At gustung-gusto ko na sana noon sumali sa Entablado. So yun! Lumipas ang isang taon at walang nangyari, kailangan ko lang daw talagang maghintay ng recweek sa susunod na taon. So yun ulit! Kinalimutan ko na naman yung blog na yun at ngayon, never na dapat akong nagbblog. Sinipagan ako magblog kasi tinanong ako ni Jose Tanjuan sa Plurk kung ako daw ba yung nagreview ng Tarong sa blog ko kasi nagcomment sya dun!
ANG GALING, sya pala yung PM sa Tarong! WAHAHAHAHA. Wala lang. Share lang. Nakakamangha.
OK, yun mej tinatamad na ako magsulat,
Third
PS. ang boring no, wala ako maattach na picture sa blog entry na to.
PPS. so ano to!? magbblog na naman ako nito araw-araw!? babalik na naman ako sa dati kong pinagkakaabalahan!?
No comments:
Post a Comment