Hello, blog! It's been a while. No, really. My last post here was on December 2022!?!?
Okay, let me recap what happened since???
I finished law school last August 2024. Not necessarily with flying colors. But just enough to pass. Akalain niyo yun mga mare, natapos natin ang tinatawag na law school? I was reading my very old blog posts here (around 2008-2010), and ang tanging pinoproblema ko lang noon eh kung magshshift ba ako from Information Design to ECE. Tandang-tanda ko pa noon, grabe yung iyak ko when I called my Mom just to tell her na hindi pala ako happy sa course ko noon. And now, andami ko nang napagdaanan. Hindi rin naman pala ako magiging happy sa nilipatan kong kurso. Nang mag-ECE na ako, eh tuluyan naman akong nahulog sa mundo ng teatro. May pa-panata pa ako noon na magigi akong theater actor pag-graduate habang nagkakakanda-bagsak-bagsak ako sa ECE subjects ko. Nang mag-graduate naman ako, eh hindi rin naman pala ako magteteatro for good. Napadpad ako sa una kong trabaho with my ECE blockmates na patungkol sa mga patents. At doon na nga napadpad ako interes ko na baka pwede naman pala ako mag-abogado. Fast forward to "maemmm lawyer na me!?" hahaha!
Ayun na nga, nakapagtapos na sa pag-aaral. Tinahak naman agad after graduation ang bar review season. Isang taong hindi ko inimagine na kaya ko naman palang gawin. Sa buong bar review season, lagi lang talagang tumatakbo sa isip ko na hindi ko naman talaga binibigay lahat. Lagi mindset ko na "okay lang di pumasa". Isang malaking blessing (at luck na rin) na lang talaga na PUMASA AKO? Lagi't lagi ko yang sinasabi sa sarili ko (at sa iba na rin). Na "hindi pa rin ako makapaniwala na pumasa ako". (Sa mga susunod na blog entry ko na ikkwento yung week ng bar results kasi medyo nakakaloka yun.)
Fast forward to today, nakaka ilang buwan na rin ako as Associate Lawyer sa law firm na matagal ko nang pinagtatrabahuhan as paralegal. Minsan masaya, minsan hindi ko alam kung masaya ba talaga ako. Kaya minsan, tinitingnan ko kung may mga pwede bang paglipatan. Mukhang nahihirapan yata ako maghanap ng ibang trabaho na mas mataas ang sweldo. Pwede ko naman piliting lumipat. Pero it's either mababang sweldo with chill life, or mas mataas na sweldo pero ngarag life. Parang sa ngayon, leaning towards chill life na lang muna siguro ako. Hindi ko kayang maging mas ambitious these days. Parang nakakatamad lang talaga.
Sa ngayon, hindi ko lubusang maisip na isa na akong ganap na abogado. Kasi naman, hindi ako yung tipong pumupunta sa korte para mag-hearing. So yun na nga yung chill life haha.
So far, yun yung pinaka bonggang update ko since December 2022. Grabe, ang tagal noon ah. Hindi ko namalayan.
Quick updates lang for today: Midterm elections ngayon. Kaya naghihintay tayo ng resulta na I will not be surprised puro mga walang kwenta na naman ang mananalo. In 4 days, lilipad kami ni bb to Singapore para manood ng Lady Gaga concert (okay this deserves a separate post, kasi first time ko makikita sa Mama Monster HAHA) Kaya naman for the past 2 months, puro Mayhem lang ang pinapakinggan ko!!!
Okay, I guess ito muna. Pa-isang picture lang. Here are proof I voted today: