Sharing my dream this morning!
Pumunta kami sa isang bookstore ni Jake, pero pagpasok namin naging si Mark and Jerome na kasama ko. Tapos parang nagi siyang Uniqlo ata. Then Mark pointed out yung malaking mirror, tapos tinuro nya yung bag ko na nakalagay in front of the mirror. He was pointing out na lahat daw ng mga nagsasalamin doon, yung dandruff nila nalalaglag sa bag ko.
Cut to kumain kami sa isang restaurant now with Mark and Timmy and others I don’t know. Then, si Timmy may kinuha na parang yung maliit na lalagyan ng menu na stand sa table. Apparently, nilagay niya sa bag ko. Tapos nung nag babayad na ata sa counter, nagtanong yung sa counter na babae na apparently may-ari ata ng resto, kung nasaan na daw yung menu stand. We said na wala naman samin.
Then we went to another dessert place sa isang mall siguro. Then sabi ko, punta lang ako sa mga cellphone place to check out mga cellphones. Then nung nagtitingin-tingin na ako, may tinuro akong phone, tapos tinapon lang nung guy sa floor, di inabot sakin. Nung pinulot ko, kaya naman pala, nakalagay sya sa isang case na sobrang strong, kakaiba itsura nya parang bones na nakabalot sa phone pero metal, so impossible na masira. Pinapakita lang pala nung guy na good quality yung case kaya nya hinulog! I was checking it out pero binalik ko na lang kay kuya. Apparently, habang nandun ako sa cellphone place, madami pala akong nilabas sa bag ko, na pa rang may hinahanap… (this is important later)
Cut to bumalik ako sa dessert place. May kasama pala kami na isa pang lalaki na pogi ata (im sure artista to but I cant remember) and may boyfriend din sya. Medyo nilalandi niya si Mark, tapos kina-caress ganun, kahit naka upo si Mark between my legs (kasi apparently parang nasa floor kami na may carpet na pala). Then sa isip ko, edi go lang bahala siya, pero naisip ko baka nadidiscomfort na si Mark, so I ask him, “ok lang bang nilalandi ka (niya)?” sabi nya naman “oo”. So itong poging lalaki kinikiss si Mark, tapos more caressing… then the pogi guy started also kissing me. Tapos uhm, kaming tatlo naghahalikan na. Tapos dumating na yung boyfriend nung pogi, tapos ewan natigil na lang bigla.
Biglang yung dessert place is apparently in California pala. Nasa dessert place na kami na hiwalay (hindi na sa isang mall). Tapos (here’s the climax) biglang dumating yung babaeng may-ari nung unang resto na pinuntahan namin (plus isa pang babaeng may-ari din ata na parang kapatid nya na mas mabait). Plot twist: pinakita niya sa akin yung menu stand na “ninakaw ko” daw and she was confronting me. Nadismaya ako and kept on saying that it was not meee. Di sila naniniwala. Naghihintay sila and they were not leaving (parang gusto ako ipakulong).
Bumulong ako doon sa mabait na kapatid, I said “can I talk to you please. I wanna explain. Privately.” Ayoko ikwento yung buong nangyari, kasi ayoko malaman ni Timmy na ibubuking ko siya. I wanted to tell the truth pero ayoko na malaman ni Timmy na sinabi ko na sya may kasalanan. So lumabas na silang lahat (Mark, Timmy, yung pogi, etc. pati yung babaeng may-ari na masungit) I was half expecting na aamin na timmy but no, lumabas lang sya haha. Nag-usap kami nung babaeng mabait and kinwento ko lahat. Na si Timmy kumuha ng menu stand sa table. And baka nalagay lang sa bag ko. Apparently they found this out kasi yung Cellphone Guy (plot twist ulit!) nakita yung menu stand (with the resto’s name) doon sa cellphone store. (kasi nilabas ko nga sa bag ko, but I left it kasi malay ko ba na di naman yun akin) So probably he called the resto. Nalaman ng resto na nasa mall yung menu stand. So probably they checked the CCTV and saw me put it out of my bag. Tapos naiwan ko na lang sa cellphone store.
So I kept on explaining this to the mabait na babae. I told her to please tell this to the masungit na may ari kasi I want her to know I’m innocent. That it’s one of my friends (na di ko na rin sinabi kung sino) basta ang point: it was not me. I kept repeating this because I want them to know na gusto ko yung resto nila, and that I really want to come back there some time. And that I love coming back to California if ever. Wuw.
Then sina Timmy, inaantay na ako matapos with the conversation because antanggal. Sumisilip na sila sa bintana from labas. (akala ko nga nakikinig si timmy sa binatana, baka malaman nya binuking ko sya) Apparently, may picture taking daw na inaantay na ako. So ayun lumabas na ako. And biglang andami nang tao, as in class picture levels. I was looking for Mark kasi tatabi ako sa kanya. Nang makita ko siya, sobrang siksikan, and di ko siya matabihan. Tinatapik ko siya pero di nya maramdaman. Malapit na mag take ng picture yung photographer, and di pa rin ako makatabi kay Mark, and di rin ako makita sa camera. Hanggang sa nasa likod na linya na lang ako ni Mark, and di ko siya katabi sa “class picture”. I was so sad like sad na may halong naiinis kasi di naramdaman ni Mark tapik ko…
Then I woke up…..