Friday, January 10, 2014

How Can Someone Make Me Not Believe In Love?

The time has come to let go of all the memories. I may not remember all the good and bad things that happened but there are some that will forever be stuck in my mind. And to the ones I will forget, it's time to put them into words. The damage has been done. Love has been felt. And all are just fragments of memories.

What if that one question was not asked? What if I never even answered it. It turned into a chain of events that are uncontrollable, emotions that cannot be unfelt. I can only imagine.

FRAGMENT #1:

Noong nasa dormitoryo pa ako, lumipat ako galing sa dati kong silid kasama ang tatlo ko pang roommates. Lumipat ako sa isang mas maliit na silid, pag-isahan lang. Para sa mga natitira kong araw bilang isang college student, gusto kong mapag-isa. Una, iniwan ko sila kasi hindi ko naman talaga sila makasalamuha. Pangalawa, I have always wanted my own room sa college. And it was the perfect time. Same floor, same corridor, but a different room. Excited na excited pa ako noon kasi, sa wakas, mag-isa na ako sa room, pwede ko nang gawin kahit anong gusto kong gawin.

Isang buong araw akong naglipat ng gamit habang wala ang mga roommates ko. Nakakahiya naman kung maabutan nila ako, kasi baka isipin nila na ayaw na ayaw ko sa kanila. It's best if magugulat na lang sila na lumipat na ako ng silid.

Una gabi ko sa bagong silid. Sobrang sikip, hindi ako makahinga. Parang lahat ng kasalanan ko, nakikita ko sa bawat sulok ng silid na 'yon. Nakaka-suffocate. Mainit. Hindi ko inasahan na mababanas ako sa bago kong silid. Unang gabi. Na-miss ko ang ingay ng roommates ko, na hindi ko naman pinapakialaman. Namiss ko na may kinaiinisan akong mga bagay paggabi sa dati kong silid: ingay nila, mga problema nila, mga pinagtatawanan nila, habang ako'y nakahiga sa kama ko, nagkukunwaring pagod at tulog.

Lumabas ako ng silid dahil hindi ko na kinakaya. Masyadong mainit. Mas malamig pa sa labas, sabay inaamoy yung simoy ng hanging dumadaan sa likod ng Gesu. Tinawagan kita, and all I ever needed was someone who can make me calm those moments. Bago ko narinig ang boses mo, naaalala ko lahat ng kasalanang ginagawa ko with you. I felt suffocated. Sinasakal ako ng mga masasamang bagay na ginawa ko. But then I heard your voice, and everything was OK. You may not think it is, but yes, everything went OK.

A very much need update - abogado na po tayo

Hello, blog! It's been a while. No, really. My last post here was on December 2022!?!? Okay, let me recap what happened since??? I finis...