Wednesday, October 19, 2011

It could have been better.

Malapit na ako sa point ng "ayoko na". Pero sobrang layo pa.

Ang hirap bitawan ang isang bagay na alam mo namang hindi mo talaga bibitawan, pero alam mong dapat bumibitaw ka na. So much effort has been done, wasted or not. So much first times have been made, but not really appreciated, I don't know. Sabi ko sa sarili ko, hindi ako bibitaw, kebs lang. Kasi nga parati ko namang sinasabi sa sarili ko na napakaswerte ng mamahalin ko, kasi alam kong napakaganda kong magmahal. But yes, this is the point where everything seems to be so useless. Para sa akin, ang taas ng effort ko. Pero kasi baka sa iba, kulang na kulang pa ang ginagawa ko.

Nakakaiyak na siya. Pero yung tipong, di naman kailangan iyakan. Nakakasayang lang lahat. Ang dami kong gustong baguhin, pero di ko mapin-point kung anong mali sa mga hakbang na ginawa ko. O baka naman, mali talaga sa umpisa kung sino itong pinagtutuunan ko ng pansin.

Parati na lang.

Ang pinaka-issue ko lang naman dito ay ang pagbitaw niya kung kailan siguradong sigurado na ako. Nakaka-hurt. Ang ganda na ng simula eh. Tapos nasa climax na, biglang bibitaw. :( So unfair. Pero hindi naman ako pwedeng manumbat, dahil wala namang commitment in the first place. Dapat kasi, nililinaw ko sa umpisa pa lang.

Pero kahit ano mang nangyayari ngayon, I firmly believe, this relationship could have been better. Or would have been better. Kumbaga sa mga artista, may potensyal ito. It is really heartbreaking to think, na pagbumitaw ako, may pagsisisi sa huli, na sana ipagpatuloy ko pa 'to. Pero nakakawalang-gana na kasi.

Confusing. 'Di ko na alam battle plans ko. In the end, ayaw ko pa rin talagang bumitaw. I don't want. Pero wala naman rin akong ginagawa...

The point is... I have come to love you. Ayan, nasambit ko na. I love you. :)

Till next time...

A very much need update - abogado na po tayo

Hello, blog! It's been a while. No, really. My last post here was on December 2022!?!? Okay, let me recap what happened since??? I finis...