Tuesday, August 30, 2011

3:03am

Muli na naman akong magsusulat. Ayoko na sanang magblog ever pero natatakot lang ako na makalimutan ang mga bagay-bagay.

Marami akong first time ngayon mga panahong ito. At dahil sa mga first time na ito, marami akong takot na nararamdaman. Maraming mga insecurities. Maraming mga alalahanin. Kaya sa bawat pag-aalala ko, iniisip ko na lang ang mga sumusunod na mga pangyayari, para hindi ko makalimutan misan, may pag-asa pa talaga :)

UNA

Naglaba kami ng mga kasuotan para sa produksyon. At kaming dalawa lang, pumunta kami sa dorm sa floor kung saan yung room ko. At dahil basang-basa ako pagkatapos namin maglaba, sabi ko saglit lang ako pupunta sa kwarto ko parang magbihis at mag-ayos. Medyo natagalan ako. At paglabas na paglabas ko sa kwarto ko, nakita niya ako. At dahil nalaman niya na kung saan mismo yung kwarto ko, bigla ko siyang hinarang nang mapansin kong papalapit na siya sa may pintuan. Sinanday ko ang kamay ko sa pader, at biglang sinabing "So, ano na?" Tapos may unting katahimakan. Awkward moment kumbaga. Tapos bigla ko na lang sinabi na, "Tara na, baba na tayo. Ayoko kasing makita ng ibang tao ang kwarto ko."

Yun pala ay iba ang pagkakaintindi niya sa eksenang iyon. Akala niya ay nilalandi ko siya.

IKALAWA

Huling gabi ng pagpapalabas na noon at binigyan ko siya ng bulaklak--kasabay ang isang note kung saan sinabi ko na "Kiss me at 2am, chos lang." Pagkatapos ang buong pagpapalabas at nang nagsisialisan na ang mga tao, bigla siyang lumapit sa akin at nagpasalamat. Sabay sinabi niya na "2am?" na may tango pa. Tapos tumango rin ako. Namatay ako.

At nang malapit nang mag 2am, hinding hindi talaga kami nag-uusap. Nang lumipas na ang 2am, nag-usap na kami. Pero wala talaga kaming pinag-uusapan dahil walang nagsasalita. Inabot kami ng halos isang oras. Nang 2:50am na, sabi niya "O, ano na? Mag 3am na." Sabi ko, "Edi 2:59am na lang para abot pa sa 2am." Tapos umamin na rin ako sa kanya. Pero hinalikan ko sya noong 3:03am. Pinakamagandang gabi sa buong buhay ko.

Pagkatapos ay pumasok na kami sa bahay kung saan marami pa rin tao. Dahil nang araw na iyon, panay ang pag-chos ko, at naiinis ako pag nasasabi ko iyon, humirit yung isang tao na pagnag-chos ako, hahalikan niya ako bawat pagchos. Hindi ko akalaing hahalikan niya ako ng 2 beses. Namatay na naman ako.

Pagkatapos noon, ay natulog na ako. Siya hindi. Pagkagising ko, nakita kong nakikipagkwentuhan siya sa mga taong hindi rin natulog o sadyang maagang nagising. At nalaman ko sa kakwentuhan niya yung mga pinag-usapan nila. Tinanong siya kung sino ang iniisip niya sa ngayon. "Who's in your mind? Give the first letter of the name." Tapos sabi niya, "Hindi letter, eh. Number." sabay gumawa siya ng number 3 sa kamay niya. Muli, namatay ako.

IKATLO

Magpapalabas na noon nang bigla niya akong binigyan ng inumin. Sabi ko "Talaga? Kanino galing?" Sabi niya,  "Sakin." Namatay ako.

Tapos maya-maya, may pinakita siyang dalawang t-shirt. Isa may nakalagay na "knowledge" na may mukha ni Rizal, at ang isa nama'y may "revolution" na may mukha ni Bonifacio. Binahagi niya ang t-shirt na ito dahil nakita niya lang daw at binili niya. Maya-maya, binigay niya sakin yung isa. Namatay ako na naman.

A very much need update - abogado na po tayo

Hello, blog! It's been a while. No, really. My last post here was on December 2022!?!? Okay, let me recap what happened since??? I finis...